SOLON KONTRA PA RIN SA MEDICAL MARIJUANA

mh200

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA sandaling maging legal na ang paggamit ng marijuana bilang gamot o medical marijuana, hindi malayong payagan na rin ang creational use ng ilegal na droga na ito  na kinababaliwan ng mga adik.

Ito ang babala ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza hinggil sa nasabing panukala na ipinasa na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa  at inaantay na lang ang bersyon ng Senado para maging batas.

“There’s no question medical marijuana will serve as the gateway for the widespread consumption of the mind-altering drug for fun and entertainment,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ni Atienza na walang malaking demand sa marijuana subalit tiyak na uusbong ito sa sandaling maging batas ang House Bill 6517 o Medical Marijuana na inakda ni Isabela Rep. Rodito Albano.

Sa botong 163 pabor, 5 ang kontra at 3 ang hindi bumoto, pinagtibay ng Kamara ang nasabing panukala noong Enero 29, 2019 sa ikatlo at huling pagbasa  subalit nakatengga pa ito sa Senado.

“If we create demand through legalization, then supply will surely come in. So we will in effect be creating a whole new drug market where there is absolutely none now for medical marijuana,” ani Atienza.

Inihalimbawa ng kongresista ang kaso ng Canada na ginawang legal na ang recreational use ng marijuana kaya sa unang linggo pa lamang umano ng batas na ito ay pumatok ito sa mga Canadians.

“In the first two weeks alone after legalization, cannabis stores there sold some $43 million (in Canadian dollars), or the equivalent of P1.7-billion worth of marijuana,” ani Atienza.

Naninindigan ang mambabatas na hindi na kailangan aniya dito ang medical marijuana dahil ang therapeutic value umano nito ay hindi hindi pa napapatunayan at ang mga pasensyenteng Filipino aniya ang mayroon nang access sa “powerful narcotic analgesics” kung kailangan nila.

“Terminally ill cancer patients for instance have ready access to morphine injections when prescribed by physicians specially licensed by the Dangerous Drugs Board.  As to children with complex neurodevelopmental conditions, they don’t need the hallucinations of marijuana. What they really need is the tender loving care of their parents and siblings,” banggit pa ng kongresista.

 

156

Related posts

Leave a Comment