SOLON: MATAAS NA RATINGS NG PANGULO ‘DI NAKAGUGULAT

(NI NOEL ABUEL)

HINDI na ikinagulat ni Senador Christopher Bong Go ang 87% na trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling  latest survey ng Pulse Asia.

Ayon sa senador, inaasahan na nito ang mataas na trust rating sa Pangulo dahil  ramdam na ng marami ang  bunga ng mga reporma at programa na ipinatutupad ng administrasyon.

Inihalimbawa pa ni Go, marami na ang hindi natatakot na maglakad kahit dis-oras ng  gabi dahil sa anti-criminality at anti illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Iginiit din ni Go na hindi lang sa mga ganitong programa ramdam ang mga nagawa ni Duterte simula nang maupo ito sa puwesto, maging sa infrastructure na walang pangalan ang mga proyekto, anti-illegal drugs  at ang anti-corruption campaign.

Binigyang diin ni Go na kahit kakampi nila noong eleksyon o maging  kaibigan kung pumasok sa korapsyon ay hindi nila sasantuhin.

 

153

Related posts

Leave a Comment