SOLON NAIS NG TRIAL PERIOD SA NCAP IMPLEMENTATION

INIREKOMENDA ni Senador JV Ejercito na magkaroon ng trial period hanggang sa pagtatapos ng 2022 ang No Contact Apprehension Policy o NCAP upang masolusyunan ang mga problema sa implementasyon nito.

Muling iginiit ni Ejercito na hindi siya tutol sa NCAP subalit dapat munang maperpekto ang sistema partikular ang mga multang ipapataw na posibleng hindi kayanin ng mga motorista lalo na ng motorcycle couriers.

Kailangan din anyang ikonsidera ang mga emergency situations sa pagpapatupad ng polisiya.

Kasabay nito, nagpahiwatig ang senador na maaari na ring resolbahin ng mga lokal na pamahalaan at mga transport groups ang usapin at hindi na kinakailangang sa korte.

Maaari anyang mamagitan ang Metropolitan Manila Development Authority upang mapag-usapan ang polisiya.

Una nang nagmatigas ang limang lokal na pamahalaan sa Metro Manila para sa pagpapatupad ng NCAP sa kabila ng petisyon ng mga transport groups sa Korte Suprema. (DANG SAMSON-GARCIA)

4

Related posts

Leave a Comment