SOLON PIKON NA SA CHINESE CRIMINALS; PNP, BI KINALAMPAG

(NI BERNARD TAGUINOD)

PUNUNG-PUNO na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa krimen na ginagawa ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Corportation (POGO) sa bansa.

“Punung-puno na tayo sa mga to,” pahayag ni House committee on games and amusement chairman Eric Yap ng ACT-CIS party-list, matapos maaresto ang walong Chinese national na sangkot sa pagkidnap sa dalawa nilang kababayan.

Ayon  kay Yap, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang mga dayuhang ito sa kidnapping activities kaya mistulang iniinsulto umano ng mga ito ang awtoridad.

“Wala silang takot e, gagawa ng krimen dito kasi alam nilang walang pupuntahan yung kaso,” ayon sa mambabatas kaya kinalampag nito ang mga otoridad lalo na ag Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI).

“Chineck ba kung may proper documents yung mga involved? Anong visa nila? Aba dapat pag na-involve sa isang krimen, palayasin agad! Lintek na mga yan! Hindi namin kayo kailangan dito at baka nga hindi pa kayo nagbabayad ng buwis”, ayon pa sa solon.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na lalo pang higpitan ang pag-iisyu ng working permit sa mga dayuhang ito at salain sila sila upang masiguro na hindi sila criminal.

Pinapagreport din ng mambabatas ang PNP ukol sa estado ng mga naunang kaso na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals upang malaman ng taumbayan kung may naparusahan sa mga ito o wala.

“Nasaan na yung mga inaresto? Marahil inatras na ang kaso at malaya sila ulit”, ayon pa sa kongresista.

Nangangamba si Yap na darating ang araw na hindi lang ang kanilang mga kapwa Chinese nationals ang bibiktimahin ng mga dayuhang ito kundi ang mga Filipino na mismo kapag hindi sila nakalos sa lalong madaling panahon.

 

176

Related posts

Leave a Comment