SOLON: POLIO, DENGUE OUTBREAK KONEKTADO SA WATER CRISIS

(NI BERNARD TAGUINOD)

KONEKTADO sa water crisis ang paglaganap ng polio at dengue sa bansa.

Ito ang paniniwala ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kaya kailangan aniyang paramihin pa ang mga pagkukunan ng water supply hindi lang para sa Metro Mnaila kundi sa buong bansa.

“Running water is essential for good health.  Household sanitation and personal hygiene tend to suffer whenever there is lack of water,” ani Defensor kaya ang krisis sa tubig na naranasan noong Marso hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay “played a part in the spread of diseases” aniya, lalo na sa Metro Manila.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang polio epidemic sa bansa matapos magkaroon muli ng ganitong sakit sa loob ng nakaraang 19 na taon.

Ang polio virus ay karaniwang nakukuha sa maruming kapaligiran kaya mismong ang World Health Organization (WHO) ang nangangampanya sa buong mundo na ugaliin na maging malinis sa katawan subalit kung wala aniyang running water ay nanganganib ang mga tao.

Ganito din aniya ang situwasyon sa kaso ng dengue na ilang buwan na ang nakararaan ay nagdeklara ang DOH ng national emergency matapos lumagapan ang nasabing sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na may dengue virus.

 

211

Related posts

Leave a Comment