SOLON SA DSWD: PAMAMAHAGI NG 2ND TRANCHE, MADALIIN

NANAWAGAN si Senate Pro-Tempore Ralph Recto sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag nang hintayin ang liquidation report ng local government units (LGUs) bago ibigay ang 2nd tranche ng Social Amelioration Program sa mga nangangailangan.

Giit ni Recto, sa mga ordinaryong pagkakataon, ang panuntunan sa pag-audit ay dapat na sundin nang mahigpit ngunit sa gitna ng pandemya, maaari itong luwagan.

Sinabi pa nito na marami nang mamamayan ang wala nang pera at pag-asa at umaasa na lamang sa tulong pinansyal mula sa gobyerno.

“Why should the people be penalized for a delay not of their own doing? Local governments are frontliners in the war versus this disease and the many miseries it has caused. Many are overwhelmed by the tasks at hand,” dagdag pa nito.

Ang sitwasyon umano ng mamamayan ngayong may pandemya ay maihahalintulad sa mga sundalo na umaasa sa supply ng bala at pagkain nang walang delay.

“Their situation can be likened to soldiers in the battlefield which must be constantly supplied and who, if they are in the middle of fighting, should be given the ammunition they need without delay,” paliwanag ni Recto. NOEL ABUEL

60

Related posts

Leave a Comment