Solon sa ‘house visit’ ng pulis sa journos BAGONG ANYO NG TOKHANG

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

PARA sa isang prominenteng kongresista sa Kamara, bagong anyo ng “tokhang” na naging mitsa sa pamamaslang ng libo-libong Pilipino noong nakaraang administrasyon, ang mga isinagawang pagbisita ng mga pulis sa tahanan ng mga peryodista.

“The recent unannounced visits of police officers, mostly in plainclothes, to the homes and studios of selected broadcasters is reminiscent of the intrusive and illicit ‘operation tokhang’ on drug suspects,” ani Albay Rep. Edcel Lagman.

Giit ni Lagman, dapat tigilan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabahay-bahay sa mga tinutuluyan ng mga mamamahayag, kasabay ng giit na hindi angkop na ituring na suspek ang mga tagapagbalita.

“Crusading journalists need police protection from threats and harm, not police intrusion into their privacy,” ani Lagman.

Para kay Lagman, mistulang panggigipit kundi man pananakot ang mga pagdalaw ng pulis sa mga pribadong panuluyan ng mga mamamahayag – “These veiled harassments must be stopped as they constitute attempts at prior restraint on the freedom of expression.”

Bago pa man ang pahayag ni Lagman, una nang iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo sa mga hepe ng pulisya sa 17 lokalidad ng Metro Manila na itigil ang pagbisita sa mga tahanan ng mga peryodista.

‘In our commitment to protect them from danger and ensure their safety, we have been reaching out to our friends from the media, especially those who have been receiving threats.

Unfortunately, a police officer reportedly visited a media personality in civilian clothes. The intention is good but unfortunately, this has caused undue alarm and fear,” ani Estomo.

“However, upon learning of what happened on the ground, I immediately ordered all commanders from District Directors down to the Chiefs of Police and Station Commanders to stop and refrain from doing the same,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, pormal na inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang resolusyon na imbestigahan ang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag.

Sa House Resolution (HR) na inakda ng mga miyembro ng nasabing grupo, kailangan itong imbestigahan dahil paglabag umano ito sa right to privacy at mistulang banta sa freedom of the press.

Nag-Sorry

Kaugnay nito, humingi na ng paumanhin si Interior Secretary Benhur Abalos sa naturang aksyon ng ilang pulis.

Ang hakbang ng kalihim ay kasunod ng paghingi rin ng paumanhin ng Eastern Police District (EPD) matapos pumalag ang mga mamamahayag na binisita ng mga pulis sa kani-kanilang bahay na malinaw na paglabag sa kanilang privacy.

Nauna nang iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Jonnel Estomo sa kanyang mga tauhan na itigil na ang unannounced visits.

“Sabi ko nga kila General (Estomo), the intention is good. However, the effect was not good,” ayon kay Abalos.

“While the move is coming from good faith… it created panic. If it created panic, pasensya na. Hindi na mauulit ito,” sabi ni Abalos sa isang panayam nitong Linggo sabay sabing “Pasensya na po kung nagkaroon ng undue fear sa baba.”

Nauna namang humingi ng paumanhin si Estomo sa mga media na binisita ng mga pulis sa kani-kanilang bahay lalo na iyong mga nakatanggap ng pagbabanta.

Naniniwala si Abalos na nais lamang ng NCRPO na paigtingin ng kapulisan ang pagbabantay sa mga miyembro ng media kasunod ng nangyaring pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City.

Inamin ni Abalos na wala siyang alam sa nasabing direktiba.

“Sabihin natin naging over eager to show people that they are really protecting journalists,” anito.

Kinilala naman ni Abalos ang pagkabahala ng media sa kung paano nalaman ng mga pulis ang kanilang mga address at ang pagsusuot ng mga pulis ng sibilyan nang bumisita sa kanilang bahay.

“Yung effect kasi hindi nila alam. Once bisitahin ka sa bahay baka iba yung dating eh. Unang-una police ba talaga ito or nagpapanggap lang?” wika ni Abalos.

Ani Abalos, kaagad siyang magpapatawag ng miting kasama ang mga mamamahayag para makapagpalabas ng mas maayos na procedures gaya ng paglikha ng hotline at pag-track down ng online threats.

Sa ulat, kabilang ang bahay ni ABS-CBN reporter Adrian Ayalin sa binisita ng mga pulis sa Marikina.

Naiulat na nagkataon na wala si Ayalin sa kanila nang magtungo ang mga pulis.

Aniya, hinahanap siya ng mga pulis at hinihingi rin ang contact details nito.

“Okay naman ‘yung pagbisita ng mga pulis kasi part naman talaga ng trabaho nila ‘yun na protektahan hindi lang ang media kung hindi lahat ng mamamayan,” lahad ni Ayalin.

“Yung nakakabahala lang kasi biglaan… ‘Yung mga pamilya natin sa bahay natin, nag-aalala sila kapag may pulis na dumating,” dagdag pa nito.

Hindi rin sa nakaligtas si commentator David Oro sa kahalintulad na insidente.

Sinabi ni Oro, dalawang beses na pinuntahan ang kanyang bahay. Una ay pawang naka-uniporme ang mga pulis at ang ikalawa ay naka-sibilyan na ang mga ito.

“Yung bagay na ‘yun ay ina-appreciate ko pero para sa akin medyo nagulantang ako, nagulat ako. After 2 days lamang ay may pumunta na naman sa akin na hindi naka-uniform na 2 pulis at ang dala-dala ay hindi rin marked vehicle,” banggit ni Oro.

“Ang hindi maganda doon, hindi man lang nag-iwan ng pangalan o contact number man lang para sana ay makatawag ako,” reaksyon pa ni Oro.

Ang GMA reporter na si JP Soriano ang nakatawag sa pansin ng netizens nang mag-post ito sa social media ng kanyang pagkadismaya sa nasabing pagbisita.

6

Related posts

Leave a Comment