Solon sa inaprubahang national budget BICAM ‘PARANG MAGNANAKAW SA GABI’

GANITO inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee matapos ibalik ng mga ito ang P10 billion pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon sa mambabatas, P5 billion lamang ang inaprubahan ng Kamara na pondo ng NTF-ELCAC subalit pagdating sa Bicam ay ibinalik ang ibinawas na pondo ng nasabing ahensya.

“Like a thief in the night, the bicameral conference committee secretly restored the budget of NTF-ELCAC despite the resounding call of the masses for the realignment of its budget for much-needed basic services,” ani Brosas.

Ipinaliwanag nito na resulta ng deliberasyon sa Kongreso ang pagbabawas ng pondo ng NTF-ELCAC subalit pagdating aniya sa Bicam ay binigay nang buo ang nasabing pondo.

“Ano pang saysay ng pagbusisi sa budget ng bawat ahensya kung pagdating sa bicameral conference committee ay papalitan din ito ayon sa kagustuhan ng iilan?,” himutok pa ng mambabatas.

Ang Kamara ay may 14 contingent mula sa Bicam na kumakatawan sa 316 miyembro ng Kongreso habang ganito rin ang bilang ng kanilang mga counterpart sa Senado.

Naunang kinumpirma ni House appropriation committee chairman Elizaldy Co na tinatrabaho nila sa Bicam na ibalik ang orihinal na proposed bill ng NTF-ELCAC.

Dinepensahan ni Co ang kanilang desisyon na ibalik ang P10 billion pondo ng NFT-ELCAC at maging ang P150 million intelligence funds ng Department of Education (DepEd).

“School children — especially in the provinces — are being targeted for recruitment by rebel groups. Our young students should be taught early in life about the perils of joining illegal organizations whose aim is to overthrow the duly-constituted government,” ani Co. (BERNARD TAGUINOD)

36

Related posts

Leave a Comment