SOLON SA NPA: HIT LIST ALISIN PARA SA PEACE TALKS

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na isaisantabi ng mga rebeldeng grupo ang kanilang hitlist kung gusto ng mga ito na matuloy ang alok na peace talks ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senador, kung nais ng rebeldeng  grupo ang  peace talks, huwag nilang gagalawin ang Pangulo na tanging  taong sinsero na makasama sila sa negotiable table.

Paliwanag pa ni Go, kahit noong mayor pa lamang si Pangulong  Duterte ay sinsero  na ito sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng  grupo.

Ipinaalala rin nito na mahigit sa 50 beses na silang umakyat ni Duterte sa kampo ng mga rebelde upang magsundo ng mga pinakakawalang  bihag na sundalo.

Iginiit ni Go na patunay ito na nagtiwala sila ng Pangulo  sa grupo dahil ginagawa nila ang pagtungo sa mga kampo ng rebelde nang walang bodyguard at armas.

Dagdag ni Go na sana ay huwag sayangin ng  grupo ang tiwala ni Pangulong  Duterte sa kanila.

 

142

Related posts

Leave a Comment