Solon sa transaksyon ng Pharmally sa PS-DBM SHORTCUT SA KORAPSYON

0

INILAHAD ni Senador Risa Hontiveros na kulang-kulang ang dokumentasyon ng mga transaksyon ng kumpanyang Pharmally, matapos aminin ng incorporator nito na si Krizle Mago na wala pala silang pruweba ng delivery order.

Ngunit ayon kay Mago, inisyuhan ito ng delivery receipt.

“Bakit may shortcut ang Pharmally? Mukhang shortcut to corruption itong transkasyon ng Pharmally at PS-DBM. Walang order, pero may resibo? Under the table ba ang usapan?Pharmally’s incorporators seem to be naive entrepreneurs, intent on profiteering and making a quick buck, and PS-DBM was a willing enabler,” sabi ni Hontiveros.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, tinanong ni Hontiveros si Mago kung hawak ng Pharmally ang apat na dokumento upang makumpleto ang procurement: delivery order, delivery receipt, inspection and acceptance report ng delivery, at statement of account ng delivery. Ayon kay Mago, wala silang delivery order, ngunit meron daw ng iba pa.

“Sa apat na dokumentong pinakakailangan, delivery order pa talaga ang wala. Iyan ang pinaka-unang papel na magpapatunay na maayos ang dinaanang proseso para sa pagbili ng health supplies. First step palang, mali na agad. Inamin din ng kawani ng PS-DBM na pinilit sila ng management na pekehin ang mga inspection reports na kailangan sa paglabas ng mga tseke. It only speaks of PS-DBM’s gross negligence or complicity,” sabi ni Hontiveros.

“Ang Pharmally na-fast track ang transaksyon pero pagdating sa Special Risk Allowance ng ating healthcare workers, pahirapan makakuha.

These lapses in checks and balances may have also contributed to many of our HCWs contracting COVID-19 because of substandard PPEs,” sabi ni Hontiveros.

Idinagdag ng senadora na tila nakakuha ng kasunduan ang Pharmally sa pamamagitan lamang ng mga referral ng dating presidential economic adviser na si Michael Yang.

Ayon sa senadora, napakarami sanang tanong ng komite tungkol sa papel ni Yang sa mga transaksyong ito, ngunit hindi humarap si Yang sa pagdinig sa Senado dahil sa altapresyon.

“Pinahirapan ng PS-DBM ang local suppliers samantalang laway lang ang puhunan ng mga Chinese suppliers at ni Michael Yang. He should appear in our next hearing. His testimony is crucial to our hope to piece together the big puzzle that is the relationship between Pharmally and PS-DBM. Similarly, his colleague, Rose Nono Lin, should be present.

Na-subpoena na siya. She has no excuse to skip an important national investigation,” sabi ni Hontiveros.

“After every hearing, I do sense that we are getting closer to the truth. Wala nang mapagtataguan ang mga kamalian ng Pharmally. At hindi hihinto ang Senado hangga’t masiguradong lumabas ang totoo,” pagtatapos ni Hontiveros.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment