SOLON: WAR ON DRUGS SABLAY KAY ESPENIDO

MAGSISILBING senyales na may katotohanang bigo ang pamahalaan sa war against illegal drug sakaling mapatunayan na sangkot na rin sa illegal drugs si P/Lt. Col. Jovie Espenido.

Ito ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson, subalit umaasa itong mapatutunayan ni Espenido na walang katotohanan ang bintang sa kanya.

“Espenido’s case, if true, could be one big reason why the war against illegal drugs is failing. Being his former superior, I hope he can acquit himself and convincingly disprove this very serious allegation against him. Otherwise, he is just one of the many others I personally knew to have succumbed to the pressure,” ayon pa kay Lacson.

Malaki aniya ang tiwala niya kay Espenido dahil noong naging tauhan niya ito sa PAOCTF ay naging mahusay ito.

Sinabi rin ni Lacson na nagpadala siya ng text message kay Espenido subalit wala itong natanggap na sagot.

“This morning, I sent him a text message with a simple question: “What happened?” He has not replied, unlike before when he would even text me with early morning bible quotes,” ayon pa sa senador.
Samantala, maituturing namang kahihiyan sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasangkot ni Espenido sa ilegal na droga.

Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang pagkakasama ng pangalan ni Espenido sa narcolist na hawak ni Pangulong Duterte lalo na’t kilala umano ang opisyal na nasa harap ng giyera kontra ilegal na droga.

“Police Lt. Colonel Jovie Espenido’s supposed inclusion in Pres. Duterte’s narcolist is an additional exhibit for the failed but bloody and largely anti-poor campaign against drugs of the administration,” dagdag pa ni Zarate.

Ayon kay Zarate, wala silang tutol sa kampanya laban sa ilegal na droga subalit nakadidismaya umano na ang mga tagapagpatupad ng batas ay sangkot sa ilegal na droga at mga buhay subalit marami nang maliliit ang napatay. NOEL ABUEL, BERNARD TAGUINOD

96

Related posts

Leave a Comment