Solons: Anyare sa 30K COVID test per day? P353-B PONDO NG BAYANIHAN ACT, I-AUDIT

DESIDIDO ang ilang miyembro ng Senate minority groups na imbestigahan kung nagamit nang tama ang inilaang P353 bilyon para sa Bayanihan Act.

Ayon kina Senador Francis Pangilinan at Senador Risa Hontiveros, nais ng mga ito na i-audit ang nasabing pondo kung nakatulong para labanan ang COVID-19.

“Dahil sa Bayanihan Act ay isinuko na ng Kongreso ang kanyang ‘power of the purse.’ Kaya kailangang bantayang maigi kung saan napupunta ang pera,” sabi ni Hontiveros.

“We should have established sufficient infrastructure and mustered enough human resources to adequately respond to this health crisis. However, this is clearly not the case,” dagdag nito.

Giit ng mambabatas, apat na buwan na ang nakararaan nang ibigay ang bilyun-bilyong pondo sa kamay ng pamahalaan at ang malawak na kapangyarihan sa Pangulo.

“Pero hanggang ngayon, wala pa rin ang pinangako nilang 30,000 tests per day. Hindi rin malinaw kung na-flatten na ba ang curve ng pandemya,” aniya pa.

Sinabi naman ni Pangilinan na nais nitong matiyak na nagamit nang tama ang P353 bilyon bago ibigay ang panibagong P140 bilyon.

“We’d like to know: We’ve spent 353 billion [pesos]. We will allocate another 130-140 billion [pesos]…With all the money spent in the last several months, where are we in terms of curving the spread of the virus? Have we flattened the curve?” tanong pa ni Pangilinan.

“Is there a way for us to get a better sense of how we’re going to achieve what we set out to do? Because the target is May, and apparently, we’ve not reached that,” dagdag pa nito. NOEL ABUEL

66

Related posts

Leave a Comment