(NI BETH JULIAN)
PINATUTUTUKAN Pangulong Rodrigo Duterte ang problema ng bansa kaugnay sa suplay ng enerhiya.
Sa pagharap sa mga Filipino community Huwebes ng gabi sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na nais niyang makabuo ng mga planong magbibigay ng solusyon sa isyu ng kakapusan ng power supply.
Batay sa impormasyong tinanggap ng Pangulo, patuloy umano ang pagtaas ng konsumo ng elektrisidad sa bansa na nagresulta sa pagnipis ng reserba ng mga power company na dahilan kung bakit nakararanas ng rotational brownout ang iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bunsod nito, target ng Pangulo na maresolba ang isyu ng power shortage sa loob ng limang taon.
Dahil dito, nananawagan ang Pangulo sa susunod na magiging presidente ng bansa na maipagpatuloy sana ang mapapasimulan niyang hakbang para sa matatag na suplay ng kuryente sa buong bansa.
150