(NI BETH JULIAN)
SINISIMULAN nang balangkasin ang magiging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nagsusumite na sila ng kani-kanilang output sa Office of the President.
Sinabi ni Nograles na ito ang gagawing basehan ng OP para hindi na maulit ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan ang mga inilalahad na ng Cabinet Secretary sa isinasagawa na ngayong pre-SONA activities.
Ayon kay Nograles, inaasahang tututok ang SONA ni Pangulong Duterte sa mga polisiya ng pamahalaan at mga programang kailangang ipagpatuloy ng administrasyon sa nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan.
Kabilang sa mga programang ito ay ang Build, Build, Build, poverty aliviation initiative at mas pinalakas na kampanya laban sa kriminalidad, kurapsyon, at ilegal na droga.
Pagkatapos ng SONA ng Pangulo, sinabi ni Nograles na maglalatag din sila ng post activity para mai-detalye ang mga bagay na nakapaloob sa mga sasabihin ng Pangulo sa kanyang SONA sa Hulyo 22.
155