SORRY NOT SORRY

locsin

(NI ROSE PULGAR)

NI-REJECT ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng isang Chinese vessel na nakabangga sa isang Filipino fishing boat na naganap sa Recto Bank nitong buwan ng Hunyo.

Pahayag ito ni Locsin sa kanyang official  twitter nitong Miyerkoles.

“Hey morons! I merely NOTED the Chinese apology. I did not accept it. I am not a fisherman,” ani  Locsin.

Ang naging pahayag ni Locsin sa kanyang twitter account ay kabaliktaran sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson  Salvador Panelo, na sinasabi nito na kuntento siya sa hakbangin ng may-ari ng isang Chinese vessel na nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy.

Nabatid na ang may ari ng Chinese vessel  ay nagpadala ng  letter of apology,  na may lagda ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery Mutual Insurance Association.

Ipinadaan nito sa  fisheries bureau ng China Ministry of Agriculture and Rural Affairs, ang ahensiyang nakatalaga sa  Beijing, para humawak ng insidente sa  Recto Bank.

Ayon ito kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana.

May bahagi sa  sulat na isinalin ng embahada  na siyang ipinadalang  memorandum kay Locsin nitong Miyerkoles (Agosto 28). Magugunita na noong Hunyo, ang 22 Pinoy crew members ay iniwan sa Recto  Bank matapos banggain ng isang Chinese vessel ang kanilang fishing boat, na kalaunan ay ni-rescue ng dumaraang Vietnamese vessel.

266

Related posts

Leave a Comment