SOTTO: MANILA REPRESENTASYON NG PILIPINAS

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MISTULANG pinasaringan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III  ang mga kumukwestyon sa pagpili ng kanta sa opening ceremony ng SEA Games, noong Sabado ng gabi.

Ipinaalala ni Sotto na ang Manila ay representasyon ng Pilipinas at hindi lamang dapat ituring na isang bahagi.

“Inclusion yung sinasabi ng iba e. Hindi, its representation. Manila represents the entire country  anywhere you go in the world. Pag sinabing Manila, alam na nilang Pilipinas yun,” saad ni Sotto.

Kasabay nito, kinatigan pa ni Sotto ang musical directo at mga taong nasa likod ng production sa opening ceremony at sinabing ang mga kritiko ng kanta ay posibleng walang alam sa musika.

“Bagay  na bagay  dun sa opening ceremonies yun.  I know the message, I understand it. Ang problema merong mga hindi nakakaintindi ng musika, pati musika gustong pakialaman,”  diin nito kasabay ng paglilinaw na wala siyang tinutukoy na sinuman.

Samantala, pinuri rin ni Sotto ang organizing committee sa pamamahala sa SEA Games sa kabila ng mgasinasabing problema at aberya.

“Yes,  very satisfied. Even the preparations, everything was in order and everything was thought of,” diin ni Sotto.

“Kahit sabihin mo pang may nagda-dialogue na delay daw yung budget,  na delay daw sila , still, the preparations were enough for the country to be happy about the results.  They  are honored  to be Filipinos…So let’s keep on praying, let’s keep on supporting our athletes because they carried the flag of the Philippines,” dagdag nito.

Aminado naman ang Senate President na dapat isailalim sa accounting ang pondong ginugol sa SEA Games na pwedeng gawin ng organizing committee,  Philippine Sports  Commission, o ng Committee on Finance ng Senado o ng Kamara.

“Pwedeng hindi inquiry, pwedeng hearing, pwedeng reporting, whatever you’d like to call it. The most important thing is that there should be accountability and there will  be accountability,” diin ni Sotto.

 

174

Related posts

Leave a Comment