(NI NOEL ABUEL)
TINITIYAK ng liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na maipapasa sa takdang panahon ang panukalang P4.1 trillion national budget.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nasa tamang landas na tinatahak ang mga senador sa gitna ng plenary deliberations sa General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan at ipinadala ng Kamara.
“It was submitted on time. We are right on track of our timetable without sacrificing important issues being raised in the different departments,” sabi ni Sotto sa pagsasabing mahabang oras ang inilaan sa mga senador para usisain ang mga nilalaman ng budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Idinagdga pa ni Sotto na ang plenary discussions sa panukalang budget kabilang ang period of interpellation, individual amendments at committee amendments ay inaasahang matatapos sa huling linggo ng kasalukuyang buwan.
Target ng mga senador na maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbansa ang GAB sa susunod na linggo habang ang bicameral conference committee ay inaasahang maisasaayos sa unang linggo ng Disyembre.
“The bicameral debates will be unpredictable. We expect healthy debates among members of the bicameral panel as they thresh out and reconcile the differences in our respective versions of the measure. We hope they will remain level-headed and open-minded during the discussions,” ayon pa kay Sotto.
Kumpiyansa ang Kongreso na ang 2020 General Appropriations Act ay malalagdaan para maging batas bago mag-holiday break ang mga mambabatas sa Disyembre 20.
187