SOTTO SA KAMARA: WALA KAMING GINALAW SA 2019 BUDGET

tito sotto

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN ang liderato ng Senado na walang sinumang senador ang nakialam sa ipinasang 2019 national budget matapos na ratipikahan ito ng bicameral conference committee.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na walang katotohanan na may senador ang gumalaw sa ipinasang pambansang budget ng Kongreso kamakailan tulad ng bintang ni Rep. Rolando Andaya Jr.

“As far as we’re concerned, we did not touch anything. The Senate did not touch anything contrary to what the House appropriations chairman Rolando Andaya Jr. is saying na Senado rin daw meron, hindi,” sabi ni Sotto.

Idinagdag pa nito na siniguro sa kanya ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) at ni Senate finance committee chair Loren Legarda, at maging si Senador Panfilo Lacson na walang ginawa ang Senado sa ratified budget bill.

“After we ratified, wala na. I have the assurance of the chairman of the committee of finance, chairman of LBRMO, and even Sen. Lacson that we did not touch anything after we ratified it on the floor,” giit nito.

“Hindi, hindi totoo ‘yun, lahat ng ginagawa nila sa House ibinibintang nila sa amin. I’m saying, we assure you, not a single centavo was touched after we ratified the budget bill,” dagdag pa nito.

Idinagdag pa nito na ilang kongresista rin ang nagsumbong na ilang kabaro ng mga ito ang naglagay ng kanilang mga realignments.

“Merong mga congressmen na tumatawag sa amin na nakarating sa kanila ‘yung nangyayaring ‘yun, sila ‘yung nabawasan, nadagdag sa kung saan kaya ang total nu’n pag pinagsama-sama mo, nasa mga P79 billion,” sabi pa ni Sotto.

“‘Yung mga nagsumbong e konti pa lang naman pero they were speaking for many others, there were congressmen from Mindanao, there were congressmen from the Visayas, and there were congressmen from Luzon,” dagdag pa nito.

 

 

5

Related posts

Leave a Comment