SPECIAL COMMITTEE BINUO PARA SA NUCLEAR ENERGY

BILANG tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kolektibong pagkilos sa kinakaharap na problema sa kapos na supply ng kuryente at mataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, bumuo ang Kamara ng isang special committee na ang tanging tututukan ay paglikha ng enerhiya.

Partikular na tinukoy ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang sapat at abot-kayang enerhiyang posible lamang aniya kung may mekanismong magbibigay katiyakan sa bisa at kaligtasan ng isang plantang nukleyar.

Sa inihaing manifestation ng batang Marcos, binigyang diin ng batang kongresista ang bentahe ng pagkakaroon ng bukod na komite para sa usaping enerhiyang mula sa nukleyar, bagay na agad naming kinatiganng mga kapwa kongresista.

Sa pagbuo ng Special Committee on Nuclear Energy, nailuklok naman bilang unang chairman si Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na higit na kilala sa agresibong pagsusulong ng pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na itinatag sa ilalim ng panunungkulan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Panahon na po na ang kuryente ay maalipin ng taumbayan sa halip na sila ang naaalipin ng mahal, kulang, at di maasahang maruming kuryenteng mapangwasak sa ating kalikasan,” ani Cojuangco.

Ani Cojuangco, napapanahon na rin magbawas ang pamahalaan ng coal-fired power plants na aniya’y dahilan kung bakit pasok ang Pilipinas sa talaan ng mga Asyanong bansa sa may pinakamahal na singil sa konsumo ng kuryente.

Pangunahing tungkulin ng nasabing komiteng binubuo ng 25 kongresista ay ang pagbalangkas ng mga polisiya at programa para sa mga itatayong nuclear power infrastructure na inaasahang magbibigay daan sa murang kuryente.

“Our committee would do its part in informing the public on the efficiency and benefits of nuclear energy, as well as in crafting measures that could provide for the construction of nuclear power plants in the country,” ayon pa kay Cojuangco.

Kabilang rin sa nakatakdang pag-aralan ng naturang komite ay ang pagbuhay ng BNPP. (BERNARD TAGUINOD)

71

Related posts

Leave a Comment