SPECIAL SESSION NG KONGRESO, ‘DI NA KAILANGAN

HINDI na kailangan magpatawag pa ng special session ang Kongreso para madaliin ang pagkakaruon ng Bayanihan act 2 sa harap ng patuloy pa ring kinakaharap na suliranin sa COVID 19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, may resources pa namang magagamit ang gobyerno para tugunan ang anomang pangangailangan na may kinalaman sa corona virus.

Aniya pa, hindi na rin dapat pang magkaroon ng special session ang Kongreso para sa panibagong stimulus package.

Pwede naman aniyang matalakay ang Bayanihan act 2 sa regular session ng Kongreso.

Sa ulat, planong paglaanan ng Kongreso ang Bayanihan act 2 ng mula 140 billion hanggang 200 billion pesos. (CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment