SPORTS PROGRAM HILING BUHAYIN SA SCHOOLS 

(NI BERNARD TAGUINOD)

IPINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang school-based sports program bilang paraan upang maiiwas ang mga kabataan sa ilegal na droga.

Bukod dito, sinabi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang ibalik na ang sports program na ito, hindi lamang sa public schools kundi maging sa pribadong paaralan dahil pangalawa na ang Pilipinas na ang mga kabataan ay kulang na kulang sa pisikal na aktibidad.

“There’s no question highly dynamic school-based individual and team sports will keep many of our children away from drugs, while allowing us to spot and develop future athletes at an early age,” ani Atienza.

Noong 2001 ay tinanggal ang Bureau of Physical Education and School Sports (BPESS) matapos maging batas ang  Governance of Basic Education Act na naging daan sa pagreorganisa sa dating   Department of Education, Culture and Sports (DECS) at pinalitan ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ng mambabatas na ang malaking pagkakamali ng nasabing batas ay inalis ang BPESS kaya simula noon ay nawalan na umano ng pisikal na aktibidad ang mga kabataang estudyante.

Dahil dito, pumangalawa na ang Pilipinas sa report ng London-based independent journal na The Lancet Child and Adolescent Health na ang mga batang edad 11 hanggang 17 anyos ay kulang ng pisikal na aktibidad matapos magtala ito ng 93.4%.

Nangunga dito ang South Korea may 94.2 percent at sumunod sa Pilipinas ang Cambodia at Sudan kung saan isinisisi ni Atienza ito sa pag-alis ng sport program sa mga eskuwelahan.

 

191

Related posts

Leave a Comment