SSS, GSIS MEMBERS DISKUMPYADO SA MWF

SA kabila ng garantiyang ibinibigay ng mga nagsusulong sa Maharlika Wealth Funds (MWF), nananatili ang agam-agam sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Hindi kumbinsido ang mga manggagawa dahil anila, hindi angkop na pakialaman ng pamahalaan ang kanilang buwanang hulog sa mga nasabing ahensya para lamang makalikom ng P250 bilyong panimulang kapital para sa isinusulong na MWF.

Paglilinaw ni House ways and means committee chairman Rep. Joey Salceda na tumatayong pinuno ng technical working group (TWG) para sa Maharlika Investment Fund Act — “The GSIS and SSS contribution to the SWF is like any other minority position in any company. They are entitled to a share of the profits corresponding their equity in the company.”

Para kay Salceda, hindi naman bago ang planong pagpapalago ng SSS at GSIS fund. Katunayan aniya, gayundin ang ginagawa ng mga naturang tanggapan sa pondong pinangangasiwaan.

“So, the income of the wealth fund in proportion to the GSIS and SSS equity redound to the GSIS and the SSS. The purpose of the SWF is public, but the distribution of profits will operate like any other GSIS or SSS investment,” ani Salceda.

Ngunit hindi pa rin dito kumbinsido ang mga miyembro ng dalawang nabanggit na social insurance institution.

“The problem is not only what if the investment loses?” pangamba ng grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).

Ang nasabing panukala ay inaasahang iaakyat na sa plenaryo ngayong linggo para sa ikalawang pagbasa, sa pag-asang mapagtitibay bago pa man ang nakatakdang congressional break sa Disyembre 15. (BERNARD TAGUINOD)

55

Related posts

Leave a Comment