(NI NOEL ABUEL)
IPINABABAGO ni Senador Nancy Binay sa Department of Health (DOH) ang vaccination strategy nito upang mawala ang pangamba ng publiko sa idinudulot ng bakuna para sa polio virus.
Sinabi ni Binay na malaking tulong ang nakikita nitong magagawa ng pagbabago ng estratehiya ng DOH sa usapin ng pagbabakuna sa mga bata.
Giit nito, dahil sa misconceptions sa bakuna ay tumatanggi ang mga magulang kung kaya’t kailangang gumawa ng ibang paraan ang DOH.
“Sa kabila ng efforts ng DOH na pawiin ang pangamba ng mga magulang na ligtas ang pagpapabakuna, at kahit naging matiyaga ang ating mga health workers na kumbinsihin sila sa mga benepisyo nito sa kanilang mga anak, hindi natin inakala ang napakalaking trauma na dala misinformation dahil na rin sa social media,” paliwanag ni Binay.
“Yung pagbabalik ng polio after 19 years ay maaaring mas mapanganib sa public health kung ihahambing sa ibang sakit. Without a dose of protection, children are more vulnerable to polio due to insufficient immunity particularly in communities with sanitation challenges. But there’s always hope in stopping polio,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, pinakikilos ni Binay ang mga barangay health workers para makatulong na paglaban sa polio virus sa community level.
Aniya ang unang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng polio outbreak ay matukoy kung saan ang mga high-risk communities na mayroon nito.
“Malaki ang ginagampanang role ng mga barangay health workers. LGUs can help in increasing DOH’s surveillance efforts in monitoring high-risk areas, and in dealing with the level of community resistance against having children vaccinated,” sabi pa ni Binay.
119