BISTADO ng mga netizen na ang planong pagtakbo sa Senado sa 2025 midterm elections ang dahilan kaya masigasig si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa pagsawsaw sa mga kontrobersyal na kaso tulad ng Alice Guo at Quiboloy surrender.
Nakabilang sa mga trending topic sa social media ang group pic sa pagsundo ni Abalos at PNP Chief Rommel Marbil kay dismissed Bamban mayor Alice Guo sa Indonesia kamakailan.
Hindi pa man humuhupa ang ngitngit ng publiko sa hindi kaaya-ayang asal anila ng mga opisyal ng pamahalaan, kabilang si Abalos sa pagsundo kay Guo ay inanunsyo ng kalihim ang pagkakaaresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Abalos, ang pagkakadakip kay Quiboloy ay bunga ng dalawang linggong paghahanap dito sa 30 ektaryang compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Sa kanyang Facebook post, inihayag ni Abalos na “NAHULI NA PO SI QUIBOLOY” na sinamahan ng larawan ng pastor kasama ang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon.
Ayon kay Abalos, ang pagkakaaresto kay Quiboloy ay indikasyon na tama ang ginawang proseso ng paghahanap ng mga pulis sa lugar sa pamumuno ni PRO 11 Director chief PBGen. Nicolas Torre.
Dito na pinuna ng mga netizen na posibleng may kinalaman sa kanyang pagtakbo ang pagiging aktibo ni Abalos.
Kahit anila hindi naman ito kinakailangan ay siya pa rin ang sumundo kay Guo sa Indonesia sa halip ipaubaya na lamang sa mga ahente ng pamahalaan.
Kinuwestyon din nila ang pag-upa ng private plane para lamang maibyahe pabalik ng bansa si Guo.
Dahil marami ang hindi natuwa sa mga aksyon ni Abalos, hinulaan na ng ilan na mabibigo sa kanyang planong maging senador ang kalihim.
Basahin ang ilan sa mga komento sa X:
aristurtle:
And kids, this is how you murder your chances of securing a Senate seat Bye, Benhur Abalos!
Norman:
Ikaw na nga gumamit for campaigning, ikaw pa victim?
daphine:
Wow! Unfair?! Playing the victim card itong si Benhur Abalos. Napagod daw sila…eh bakit ikaw pa sumundo?! UmeEPAL Ka for media mileage Kasi tatakbo Ka…..BIG NO SA mga EPAL na tulad mo! EPAL! Parte Ka Ng isang mini-political dynasty….NO to Benhur Abalos!
obsessed:
Alam mo kung ano unfair benhur?
Yung tratuhin ninyong espesyal ang puganteng foreigner na mayaman pero halos patayin sa pananakit ang ordinaryong mamamayan kapag nahuli ng kapulisan
GoldenGirl:
Abalos, hwag kang manumbat. Just admit that the behavior of all PH govt officials who escorted Alice Guo were inappropriate & very unprofessional; lacking of proper decorum in this situation. Every one of you must apologize publicly to the Filipinos.
Jesse:
So Unfair to the Filipino people – especially those who have been treated unfairly and harshly for minor crimes while this fugitive (who made fools of Philippine law enforcement) was treated like a celebrity.
Betty:
Pag ba kayo nakakuha ng kriminal sa slum area, makikipagselfie ba kayo? pera lang ba ang batayan nyo.
The 11th:
Hindi ba kayo ang unfair? Special treatment kayo kay Guo pero sa mga totoong Pilipino saka sa mga walang kapangyarihan, grabe nyo tratuhin. Kulong agad.
Rene:
If abalos-los has any decency left in him, he should resign upon landing in the Philippines. This is not the way we should treat fugitive criminals from our justice system.
Shame on you, @benhurabalos. You are a disgrace to your sword duty to public service. Resign!
Patrick:
And just like that, Benhur Abalos’ dreams of being a Senator died together with his dignity.
Nabatid na matapos ang pag-aresto kina Guo at Quiboloy, target naman ngayon ng gobyerno na makuha ang kustodiya ni dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr.
Sa pagsasalita ni Abalos sa Dubai, Linggo ng gabi (Philippine time), tinalakay nito ang nangyaring pag-aresto kina Alice Guo sa Tangerang City sa Indonesia, noong Miyerkoles at Quiboloy sa KOJC compound sa Davao City, alas-6 ng gabi noong Linggo.
“Pangatlo hopefully makukuha na rin si Teves. Ito ‘yung pumatay kay Degamo, remember?,” ang sinabi ni Abalos sa Filipino crowd.
37