SUHESTIYON NI DU30 VS SMARTMATIC PAG-AARALAN NG COMELEC

comelec james12

(NI HARVERY PEREZ)

KINAKAILANGAN umano na magkaroon ng legal na basehan para hindi na isali ang technology solutions firm Smartmatic sa mga susunod na public bidding ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos sabihin  ni Pangulong  Rodrigo Duterte na i-ban na ang naturang Venezuelan firm.

Sa pagsasalita sa Japan, sinabi  ni Duterte na nagtataka siya kung bakit patuloy na nakukuha ng Smartmatic ang
mga government deals sa  kabila ng maraming reklamo sa mga equipment nito na ginagamit sa halalan.

Iginiit ni Pangulong Duterte sa Comelec na palitan na ang Smartmatic at humanap ng system na hindi maakusahan ng pandaraya.

Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na hindi maaaring isantabi ang suhestiyon ng Pangulong Duterte ngunit inoobliga ng batas ang  public bidding para sa government contracts.

“The President speaks from a place of greater knowledge than I do. If he feels that’s a good solution, it deserves a lot of serious consideration,” ayon kay  Jimenez  sa isang media  forum na inorganisa ng  National Press Club.

Sinabi ni Jimenez na nasa ilalim ang Comelec ng COA  ngunit kung may magagawang paraan ay gagawin nila .
Hindi umano alam ni Jimenez ang impormasyon na nakarating sa Pangulo kung kaya nakapagbitiw ito ng ganoong pahayag laban sa Smartmatic.

Nanalo umano sa bidding ang Smartmatic kaya ito ang nag su-supply ng vote counting machines (VCMs) para sa  2016 elections, kung saan nanalo si Duterte bilang Pangulo.

148

Related posts

Leave a Comment