SUMUKONG CONVICT NA PINALAYA SA GCTA UMABOT NA SA 1,304

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

UMAABOT na sa may 1,304 Persons Deprived of Liberty (PDL) na pinalaya at nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sumuko sa Bureau of Corrections (BuCor) bilang pagtalima sa deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Spokesman Mike Perete ang nabanggit na bilang ay naitala hanggang nitong alas 11:30 ng tanghali mula sa  1,025 PDL na sumuko, hanggang alas 2 ng hapon ng Miyerkoles.

Nabatid na maghihintay ang BuCor ng hanggang 11:59 ng hatinggabi pagkatapos ay ipatutupad na ang pag-aresto sa mga hindi sumuko na nasa listahan .

Una nang sinabi ni Duterte na  lalagyan ng P1 milyon patong sa ulo ang mga PDL na hindi susuko.

Samantala, umapela naman si  NCRPO Director Guillermo Eleazar  sa mga PDL na hindi pa sumusuko na magsisuko na bago pa man matapos ang deadline na ibinigay ni Pangulong Duterte.

“I am appealing to the public specially the relatives and friends of these freed prisoners to convince them to  turn themselves in to show good conduct and avoid getting  into new trouble with law,”ayon kay Eleazar

Ayon kay Eleazer may 202 PDL na nakalaya sa GTCA ang nakatira sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, pero sa naturang bilang 48 lamang sa kanila ang sumuko at ang dalawa ay nasawi dahil sa natural death.

Sinabi ni Eleazar na kapag hindi pa nadagdagan ang nabanggit na bilang, nasa 176 PDL ang hahantingin ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa Metro Manila.

183

Related posts

Leave a Comment