SUPORTA SA KAMARA SA 4-DAY WORK WEEK MAS LUMAKAS

4-DAY WORK WEEK

(NI ABBY MENDOZA)

MAS lumakas pa ang panawagan sa Kamara sa pagpapatupad ng 4-day work week.

Naghain ng magkahiwalay na resolusyon at panukala sina Cavite Rep. Elpidio Barzaga at  CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera kung saan humingi ito ng suporta sa mga kapwa mambabatas na maiprayoridad ang pagtalakay dito dahil na rin sa maganda itong solusyon sa nararansang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa resolusyong inihain ni Barzaga ay hinihiling nito sa pribado at pampublikong sektor na ipatupad ang ‘4-day work week’ bilang experimental basis.

Iminungkahi ni Barzaga na gawing alas 7 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes ang oras ng trabaho ng mga kawani ng pamahalaan habang 10 oras mula Martes hanggang Biyernes na may kabuuang 40 oras pa rin sa mga pribadong kumpanya.

Giit ni Barzaga sabawat taon ay 16 na araw ang nasasayang ng mga Pilipino dahil sa traffic o katumbas ng P100,000 na pagkalugi at kabawasan sa productivity.

Ang Pililinas ay isa sa mga Asya na may pinakamatagal na paghihintay sa traffic na umaabot ng 66 minuto kumpara sa Singapore na nasa 30 minuto lamang.

Sa House Bill 5471 na inihain nh CIBAC  isinusulong ang alternative working arrangements tulad ng compressed work week depende sa mapagkakasunduan ng employer at employee.

Iaadjust ng employer ang oras ng trabaho ng kanilang mga empleyado kada linggo na hindi hihigit sa 48 oras at hindi maaapektuhan ang sahod at benepisyong natatanggap ng mga ito.

Sinabi ni Villanueva na ang ganitong paraan ang ginawa ng ibang mga bansa na napatunayang nakabawas sa trapiko at mas tumaas ang productivity ng mga empleyado kaya napapanahon na gawin na din ito sa bansa.

 

141

Related posts

Leave a Comment