SUPORTA SA NLRC HINILING SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA ang ilang senador sa mga kapwa nito mambabatas na ikonsiderang suportahan ang

pagbuo ng additional division sa National Labor Relations Commission.

Umaasa si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na matutugunan ang kanyang inihaing Senate Bill No. 1254 na malaking tulong para mapabilis ang pagdedesisyon sa mga kasong inihahain sa (NLRC).

Kasama sa panukala ni Go ang  pagdadagdag ng bilang ng mga uupong komisyoner ng ahensya mula 14 ay gagawing 17.

Layon umano ng panukala na magkaroon ng NLRC, na attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) para lamang sa program at policy coordination na bubuuin ng chairman at 17 members.

Base sa panukala, ang 6 na members ay pipiliin sa mga nominees ng mga manggagawa at employers organization habang  ang chairman at 5 members ay magmumula sa public sector at pipiliin base sa mga inirekomenda ng kalihim ng DOLE.

Nakasaad din sa panukala na puwedeng umupong en banc ang  Commission pero sa layon lang na bumuo ng rules and regulations para sa mga hearing  at  disposition ng mga kaso bago ang mga division at regional branches nito.

Nakapaloob din sa panukala na ang Chairman sa tulong ng Executive Clerk ng Commission ay mayroong administrative supervision  sa Commission at mga regional branches at personnel nito kabilang na ang  Executive Labor Arbiters at Labor Arbiters.

 

272

Related posts

Leave a Comment