(NI DANG SAMSON-GARCIA)
PINAKIKILOS ni Sen. Imee Marcos ang mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na ligtas at may sapat na suplay ng karneng baboy sa pamilihan.
Ito ay makaraang kumpirmahin ni Agriculture Secretary William Dar na positibo sa African Swine Fever(ASF) ang 14 sa 20 blood samples ng mga baboy na galing sa Rodriguez Rizal, Guiguinto, Bulacan at Antipolo city.
Dahil dito, hinikayat ni Marcos ang PPA at Bureau of Customs na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng port of entry ng bansa para hindi makalusot ang smuggled meat products na posibleng kontaminado ng ASF.
Inalerto rin ng mambabatas ang DA at Departmemt of Trade and Industry upang tiyakin ang suplay at hindi magtataas ng presyo ng mga karneng baboy sa merkado kasunod ng ASF scare.
Pinababantayan din ni Marcos sa PNP, Bureau of Quarantine at NMIS ang mga karneng baboy na hinahango sa backyard piggery para hindi makalusot ang mga baboy na posibleng kontaminado ng ASF.
“Mahalaga na matiyak na hindi kontaminado ng ASF ang meat products na ihahanda sa pasko ng mga Pinoy. Dapat maging maingat ang mga otoridad sa pagbabantay sa mga alagang baboy at imported pork products bagamat walang direktang epekto sa kalusugan ng tao ang pagkain ng karneng baboy na may ASF virus,” diin ni Marcos.
272