SWS SURVEY SAMPAL SA KRITIKO – PANELO

panelo44

(NI BETH JULIAN)

ITINUTURING na sampal sa mga kritiko ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing apat sa limang Filipino ang kuntento sa resulta ng katatapos na midterm elections.

Gayunman, ang resulta ng survey ay ikinagalak naman ng Malacanang at malaking dagok sa mga kritiko ng Duterte administration.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dahil sa survey, ito ang basehan na nagsalita na ang taumbayan kaya dapat nang itigil ang pang-iinsulto sa mga botante.

“Kaya sa mga kritiko at sa hanay ng minorya na duda sa resulta ng halalan, ito na ang basehan, nagsalita na ang taumbayan,” pahayag ni Panelo.

Bunsod nito, sinabi ni Panelo na patuloy na pagsusumikapan ni Pangulong Duterte na hikayatin ang Commission on Elections (Comelec) na tiyakin na magiging fraud free technology provider ang gagamiting makina sa 2022 elections.

Target din ni Pangulong Duterte na mag-iwan ng magandang electoral reform legacy sa bansa.

123

Related posts

Leave a Comment