SY NAGPIYANSA SA KASONG ESTAFA

wellmed12

(NI HARVEY PEREZ)

NAKAPAGPIYANSA na sa  Manila Metropolitan Trial Court Branch 6 ang abogado  ng  may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Dr.Bryan Sy na isinangkot sa  ‘ghost dialysis’ claim  sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon kay Atty. Rowell Ilagan, legal counsel ng WellMed legal, nagpiyansa si Sy ng  P72,000 para sa kasong estafa dahil sa pamemeke ng mga opisyal na dokumento.

Sa kabila naman ng inisyu na  release order, sinabi ni Ilagan na nananatili si Sy sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI)  Sy at hinihintay  ang pagpapalaya sa kanya.

“He posted a cash bail bond in the amount of P72,000. Despite the release order issued by the court, the NBI refused to release Bryan Sy,” ayon kay Ilagan.

Ipinaliwanag naman  ni Manila Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 6 Judge Jerome Jimenez, na kahit na wala pang naisasampang kaso laban kay Sy, pinapayagan sa batas na makapagpiyansa ito.

Una nang inaresto  si Sy  noong Lunes sa kasagsagan ng imbestigasyon ng NBI kaugnay ng anomalya sa WellMed.

Sa alegasyon kay Sy, nakakuha umano ang nasabing clinic ng P800,000 sa PhilHealth sa pamamagitan ng mga ghost claims mula taong 2016 hanggang 2018 mula sa mga pasyenteng matagal nang patay.

397

Related posts

Leave a Comment