SYRIAN NATIONAL NA MAY PEKENG KIRIBATI PASSPORT ARESTADO

pasaporte

(NI FROILAN MORELLOS)

KALABOSO ang inabot ng isang Syrian national makaraang maaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng pekeng Kiribati passport, ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng Bureau of Immigration .

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Al Naasan Ibrahim, 19, at dumating ito sa bansa nitong nakalipas na Feb. 22 ,
sakay ng Malaysian Airlines galing sa Kuala Lumpur .

Ayon sa report ng isa sa immigration officer  sa NAIA , dumating si Ibrahim sa terminal 1 at iprinisinta nito sa immigration officer on duty ang kanyang Kiribati passport.

At sa inisyal na imbestigasyon nagkaroon ng suspicion ang immigration officer, kung kaya’t sumailalim ito ng secondary inspection, at dito inamin ang pagkatao niya na isa siyang Syrian national .

Nadiskubre rin ng immigration officer on duty na itinago nito sa kanyang bagahe ang kanyang Syrian passport upang makalusot papuntang Sweden , na naging kagawian ginagamit ng sindikato ang Manila bilang jump off point patungong ibang bansa..

Ayon naman kay BI-NAIA 1 travel control and enforcement chief Glenn Ford Comia, inamin ni  Ibrahim na binili niya ang kanyang Kiribati passport ng halagang US$5,000 mula sa sindikato na Siem Reap, sa Cambodia .

Dagdag pa ni Ibrahim na binili niya ito via internet sa isang Jordanian national na nagngangalang  Mohammed sa Cambodia maging ang kanyang Kiribati nationality identity card at certificate of nationality na ibinigay sa kanya ng sindikato.

Sa kasalukuyang nakakulong si Ibrahim sa BI Detention facility sa Bicutan, Taguig City dahil sa paglabag ng immigration laws.

 

 

262

Related posts

Leave a Comment