TAAS-SAHOD NG GURO, GOV’T WORKERS OK NA

duterte32

(NI BETH JULIAN)

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aaral sa posibilidad na itaas ang sweldo ng mga guro at mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi lamang sa mga pampublikong guro maaaring i-apply ang dagdag-sweldo kundi para sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Ngayong naibigay na ang ikaapat na tranche ng salary standardization sa mga empleado ng gobyerno, may go signal na si Duterte na pag-aralan ang salary system sa pamahalaan.

Ang Department of Budget and Management din ang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa dagdag-sweldo.

 

159

Related posts

Leave a Comment