Tahimik Pa Rin Sa WPS Issue

Samantala, kinuwestyon ng administration congressmen si Vice President Sara Duterte dahil kung anong ingay umano nito sa pagbatikos sa administrasyon ay kabaliktaran naman pagdating sa patuloy na pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa press conference, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na bilang pangalawang pinakamataas na lider ng bansa, tungkulin ni Duterte na ipagtanggol ang soberanya at protektahan ang seguridad ng bansa.

“Personally, I’m trying to question, why apart from all of these things happening, nagkaroon nga po recently yung flare ng Chinese government in the West Philippine Sea, she remains to be silent about it,” ani Adiong.

Dahil dito, hindi naitago ng mambabatas ang kanyang pagkadismaya kay Duterte dahil mula noon ay hindi ito nagsasalita sa pambu-bully ng China sa WPS kahit may mga insidente na nalagay na sa panganib ang buhay ng mga Pilipino na nagbabantay sa nasabing teritoryo.

Sa pinakahuling harassment ng China ay nairekord sa Bajo de Masinloc nang biglang magpakawala ng flare at nagsagawa ng dangerous maneuver ang kanilang airforce na naglagay sa panganib sa Philippine Air Force na nagsasagawa ng regular na pagpapatrulya.

“Ako, disappointed ako sa mga public officials po na hindI talaga nila sinasabi o ipinapakita ang kanilang pagiging patriotismo bilang isang Pilipino. Hindi lang sa pagiging public official kung hindi sa pagiging ordinaryong Pilipino. Nakaka-disappoint po iyon at nakaka-frustrate,” ani Adiong.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na noong panahon ng ama ni Duterte na si dating pangulong Rodrigo Duterte, sa China ito kumapit at iniwan ang mga tradisyunal na kaalyado tulad ng United States (US).

Subalit ayon kay La Union Rep. Paolo Ortega, sa kabila nito, tungkulin pa rin ni Duterte na depensahan ang Pilipinas dahil kasama ito sa kanyang sinumpaang tungkulin subalit nakabibingi aniya ang katahimikan ng bise presidente sa usaping ito.

“Lahat naman tayo dito mahal natin ang Pilipinas, dapat Pilipino ang kampihan nila, dapat pro Pinas tayo. Iyon lang talaga ang kaya kong sabihin sa isyu na iyon. Dapat Pilipinas ang kampihan at sana Pilipino ang kampihan nila,” ayon kay Ortega.

48

Related posts

Leave a Comment