TAHO, BALUT BALIK-KALSADA NA

MAAARI na ulit magbenta ang mga street vendor ng taho at balut sa ilalim ng modified quarantine measures sa kondisyon na kailangan nilang sundin ang social distancing.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na makakakain na ulit ang mga suki ng taho at balut sa mga lugar na ibababa na sa modified community quarantine.

Sinabi ito ni Sec. Roque isang araw bago magpalit ang quarantine measures sa iba’t ibang lugar sa bansa na naglalayon din na payagan ang ibang industriya na mag-resume ng operasyon kahit na nabawasan ang workforce at nananatiling pinaiiral ang social distancing.

“Alam ninyo kasi kung pinapayagan na yung paglabas sa bahay para mag-exercise, tumakbo, magbisikleta, so sa tingin ko po pupuwede na basta huwag lang silang magkumpol-kumpol … iyan po ang iniiwasan natin,” ayon kay Sec. Roque sa tanong kung papayagan ba ang mga street vendor na makapagtinda. CHRISTIAN DALE

121

Related posts

Leave a Comment