Takot maposasan BATO ‘DI MUNA BIBIYAHE SA ICC MEMBER COUNTRIES

IIWAS munang magtungo sa mga bansang kaalyado o miyembro ng International Criminal Court (ICC) si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ito ay sa gitna ng pagbuhay sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa ipinatupad na war on drugs ng Duterte administration.

Aminado si dela Rosa na may posibilidad na kahit hindi pinapayagan ng gobyerno ng Pilipinas ang imbestigasyon ng ICC sa bansa ay magpapatuloy ito at magreresulta sa paglalabas ng warrant of arrest.

Dahil dito, hindi muna anya siya magtutungo sa mga bansang miyembro at loyal sa ICC tulad ng mga bansa sa Europa.

Kaya naman, sinabi ng senador na kahit naka-break ang sesyon ng Kongreso ay mananatili siya sa Pilipinas.

Una rito, hiniling ni dela Rosa kay Senador Francis Tolentino na magsilbing kanyang legal counsel sa kaso sa ICC upang may abogadong magtatanggol sa kanya oras na ipaaresto o mag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya. (DANG SAMSON-GARCIA)

49

Related posts

Leave a Comment