Talaga lang ha?! SIM REGISTRATION ‘FAST AND EASY’ – DICT

TINIYAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na madali lang ang pagpaparehistro ng subscriber identity module (SIM) cards.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, wala itong ipinagkaiba sa pagbubukas ng account gamit ang e-wallet platform.

“This method would allow for the fast and convenient registration of about 144 million SIM cards,” ayon kay Uy.

Wika ni Uy, maaaring i-upload ng isang mobile subscribers ang kanilang required personal information, kasama ang digital copy ng isang valid ID, sa pamamagitan ng online site o app.

Ang isang valid ID ay maaaring passport na ibeberipika ng Department of Foreign Affairs.

Ani Uy, ang proseso ay paplantsahin at isasapinal sa SIM Registration Act’s implementing rules and regulations. Ang batas ay nilagdaan noong Oktubre 10.

“We are still working on the IRR. Let’s wait for the IRR,” ayon sa Kalihim. (CHRISTIAN DALE)

13

Related posts

Leave a Comment