TAMA NA ANG POLISYA, AKSYON NA – GMA

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Panahon na para mapakinabangan ng mamamayan ang mga batas na ginawa ng Kongreso na sumuporta sa mga polisyang inilatag ng administrasyon lalo na’t paubos na ang oras ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pakikipagkuwentuhan sa mga mama-mahayag dahil hanggang ngayon ay hindi pa ramdam ng mamamayan ang bunga ng mga batas na ginawa umano ng Kongreso at maging ang mga inilatag na economic policy ng adminitrasyon para matulungan ang taumbayan.

“During the first 2-1/2 years of President Duterte’s term, the Executive put in place a set of policies to guide the country’s economic and infrastructure development in the coming years. For its part, the Legislative enacted a set of laws in support of those policies,” ani Arroyo.

Gayunpaman, hindi pa umano naiimplementa ang mga batas na ginawa ng Kongreso at maging ang mga economic policy na inilatag ng gobyerno kaya kinalampag na nito ang Malacanang upang maramdaman na ito ng mamamayan sa natitirang tatlo’t kalahating taon ng gobyernong Duterte.

“There will always be room for making new policy and legislation.  But on the whole, I think it is time to pivot from mere policies to implementation.  We must harvest the results during the final 3-1/2 years of President Duterte’s term,” ani Arroyo.

Dahil dito tututukan na umano ng Kongreso sa pamamagitan ng oversight functions ang pagpapatupad ng gobyernong Duterte para iimplementa na ang batas na nagawa ng mga mamba-batas sa natitirang panahon ng 17th Congress.

“For the remaining months of the 17th Congress, the House is prepared to give the implementing departments and agencies the support that they may need, to the extent that they make this pivot from policy to action, such as by way of House resolutions from the elected representatives of the people, or through the helpful exercise of House oversight functions,” dagdag pa ni Arroyo.

Partikular na sa nais tutukan ng Kongreso ay ang aksyon ng gobyernong Duterte para mapababa ang inflation rate na inirereklamo ng mamamayan dahil sa kabila ng mga batas na nagawa umano ng mga ito ay hindi pa bumababa ang presyo ng mga bilihin.

Sinabi ng dating Pangulo na kung nais umano ng administrasyon na maibaba ang presyo ng mga bilihin ay dagdagan ang supply ng pagkain sa merkado dahil ito umano ang natitirang sagot sa nasabing problema ng mamamayan.

163

Related posts

Leave a Comment