TAPYAS PONDO SA SUCs INIAPELA

UMAPELA si Senador Pia Cayetano sa pamahalaan na huwag pagdiskitahang bawasan ng pondo ang mga state universities and colleges (SUCs).

Sinabi ito ng senador kasunod ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole kung saan tinatarget umano ng pamahalaan ang infrastructure project ng SUCs.

“Just to put on record my concern for our budget of higher education. They are very underfunded to begin with, and we’re very slow to provide infrastructure funding for our SUCs,” apela ni Cayetano kay

Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado.

“If we look at the record, we give them funds not on a continuing basis, but based on a request that they make, which takes many years to be granted. And then we do not give the succeeding funds because we say that the project is already fulfilled. But we know that they get one project at a time, if at all,” dagdag pa nito.

Binigyang diin ng senador ang pangangailangan na unahin ang edukasyon gaya ng pagtaguyod ng mga pagbabago sa mas mataas na edukasyon na mahalaga sa pagpapatupad ng ‘new normal.’

Idinagdag ni Cayetano na ang pagsuporta sa edukasyon ay nakahanay rin sa direktiba ng Pangulo upang masimulan at mapabilis ang infrastructure program ng Build, Build, Build upang mabuhay ang ekonomiya ng bansa. NOEL ABUEL

67

Related posts

Leave a Comment