TARIPA SA IMPORTED NA BIGAS IGINIIT

imee marcos23

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGREKOMENDA ng ilang hakbangin si Senador Imee Marcos sa gobyerno upang maagapan ang pagpapanic ng mga local rice farmers dahil sa bumabahang imported na bigas na posibleng magbagsak sa presyo ng palay sa bansa kahit na magsisimula na ang anihan ngayong buwan.

Sinabi ni Marcos na bumaba na ng 41.6% ang investment ng mga magsasaka noong Agosto sa gitna ng pagbaba ng farmgate price ng palay sa P7 kada kilo, kumpara sa kanilang production cost na P12.

“Let’s not exaggerate that the situation of our rice farmers is hopeless and that little can be done,” saad ni Marcos.

Iginiit ng senador na maaring magbigay ang gobyerno ng dagdag na pondo sa rice farmers sa pag-activate ng Section 7 ng rice tariffication law na nagsasaad na itaas pa ang 35% na tariff sa rice imports mula sa Thailand at Vietnam.

“If South Korea and Japan have imposed import tariffs of 500% to 800% to protect their local farmers, why can’t we?” diin ni Marcos.

Maaari ring gamitin ng Department of Agriculture (DA) ang Quick Response Fund upang makabili ng palay mula sa local farmers at i-triple ang rice buffer stock na ngayon ay para lamang sa 30 araw.

Pwede rin aniyang bigyan ng rice subsidies ang mga tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) subalit sa halip na cash ay gawin itong bigas na binili sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng P28 billion na pondo ng social welfare program.

Inirekomenda rin ng mambabatas ang mas mahigpit na phytosanitary requirements sa rice imports upang mapabagal ang pagpasok nila sa bansa.

“We can save our rice farmers if we could just be thorough in our tasks, work hard, and get things done ASAP,” diin ni Marcos.

265

Related posts

Leave a Comment