TATAY TODAS KAY JUNIOR

CAVITE – Patay ang isang garbage collector makaraang pagsasaksakin ng kanyang anak habang sila ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa Cavite City sa lalawigang ito.

Idinekalarang dead on arrival sa Bautista Hospital ang biktimang si Jerry Asero Sr. habang arestado naman ang anak nitong suspek na si Jerry Asero Jr., 24-anyos, isa ring garbage collector.

Ayon sa ulat ni P/MSgt Jonathan Baclas ng Cavite City Police Station, dakong alas-10:30 noong Lunes ng gabi nang magkayayaang mag-inuman ang mag-ama sa kanilang bahay.

Sa gitna ng kanilang inuman, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay habang agad namang nadakip ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

112

Related posts

Leave a Comment