PINAG-USAPAN ng mga netizen ang inilunsad kamakailan na programa ni House Speaker Martin Romualdez – ang MR o Malaya rice.
Ang nangungunang tanong ng netizens, saan galing ang pondong pambili ng Malaya Rice?
Maging ang lobbyist and political strategist na si Malou Tiquia ay tila curious din sa nasabing usapin kaya nagpost ito sa X ng: Nakakatuwa at nakuha ito ng mga nag share ng maaga. Marahil galing rin ito sa mga taga luob. Ang magandang malaman, saan nanggaling ang pondo ng “MR rice”? Di planado yan so walang line item, tama? Rebag ba ito? So inangkat? Magkano ang isang
sako? Taxpayers money, tama?
Tumugon sa nasabing post ang ilan at ganito ang kanilang mga komento:
Brian:
Not sure if you also noticed that the supplier / design is from Vietnam, so meaning the packaging / rice might also come from Vietnam?
Rod:
Malamang smuggled rice din tulad nung pinapamigay ng kamag anak nya.
Larry:
Galing magpaikot as preparation for 2028
Berlin:
Baka naman galing yan sa mga na raid na sinasabing smuggled rice. Kaya siguro sige ang pag raid para may mailagay sa Malaya Rice.
Darilus:
MR? Di masyadong obvious.
Cavs Twink Top:
this has been circling around the city using the partylist Tingog Partylist. Is it early campaigning?
Jemuel:
Trapong-trapo ang galawan… Me nakalagay pang pangalan
Franklin:
Galing sa 1.6 billion na CF ?
Ysay Say:
Tamalosi rice pampauto sa mga nagugutom na tulad ko, malaki pala extraordinary fund nya
AkoSiAlizia:
This is ridicolously kapal muks kind of kadiri! Project daw nya? Bakittttttt
jesssy:
Gagawa ng crisis sa bigas tapos sila mamimigay ng bigas para nga naman hero ang dating.
Sa ibinahaging impormasyon ng mismong tanggapan ni Romualdez kamakailan, mamamahagi ng P600 halaga ng bigas at P1,000 cash assistance sa 10,000 indigents ang liderato ng Kamara na sinimulan sa 33 congressional districts sa Metro Manila.
Katuwang dito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nauna nang pinuna ang nasabing proyekto ni Romualdez ng vlogger na si Maharlika.
Aniya, smuggled ang mga bigas na ipamamahagi ni Romualdez at ang mga ito umano ay sa tulong ng kaibigan niyang si Michael Ma.
Ire-repack aniya ang bigas at ilalagay sa sako na may logo na Malaya Rice, freedom from hunger.
Pagbubunyag pa ni Maharlika, ito na ang panimula sa pagpostura ni Romualdez para sa ambisyon nito na tumakbong presidente sa 2028.
Binanggit din ng vlogger na ang logo ng paglalagyan ng ipamamahaging bigas ay MR na siya ring initials ng pangalan ng House Speaker.
301