TAX-FREE PERFORMANCE BONUS SA GOV’T EMPLOYEES IGINIIT

govt workers11

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT ibigay ang Performance-based bonus (PBB) ng mga empleyado ng gobyerno sa buong halaga at walang bawas mula sa buwis.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto sa inihain nitong Senate Bill No. 602 na naglalayong tanggalin ang PBB sa binabawasan ng buwis.

“Government is a machine whose parts should move in unison towards the attainment of its strategic goals as reflected in its development plans. This machinery is judged by the people through its outputs in terms of delivery of goods and services. However, the best-crafted strategic development plans will be for naught if civil servants who will implement these are not inspired and committed to achieve the plans,” paliwanag ni Recto

Sa ilalim ng nasabing panukala, nais nitong amiyendahan ang Section 32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997.

Sinabi ng senador na dapat ibigay ang PBB ng buong halaga at hindi dapat isailalim sa income tax.

“The bill could likewise serve as a motivational tool for agencies and employees rated ‘poor’ to improve their performance,” ayon pa kay Recto.

Bukod sa PBB, ang gobyerno ay nagbibigay rin ng P5,000 sa kabuuan ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Kapwa ang PEI at ang PBB ay ipinagkaloob sa mga empleyado bilang isang insentibo upang mapabuti ang produktibo sa pampublikong sektor.

 

144

Related posts

Leave a Comment