(NI DANG SAMSON-GARCIA)
IBINULGAR kahapon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na noong 2017 P82 bilyon ang nawalang kita sa gobyerno dahil sa tax leakages.
Sinabi ni Lacson na ito ay batay pa lamang sa computation ng 12% Value Added Tax (VAT) na dapat ipinataw sa mga produkto ng China na ipinasok sa bansa.
Ayon kay Lacson, sa tala ng World Bank, sa deklarasyon ng Pilipinas umabot sa mahigit $18 bilyon ang halaga ng imports ng China noong 2017 subalit sa deklarasyon ng dayuhang bansa, umabot ito sa $32bilyon o discrepancy na $13 bilyon.
Kung susumahin anya, ang 12% VAT nito ay aabot sa P82 bilyon.
“Isang country pa lang na trading partner natin. So there could be more. It could run to hundreds of billions of pesos lost every year,” saad ni Lacson.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, inamin naman ni Finance Undersecretary Karl Chua na noong 2017, nagkaroon ng P63bilyon na tax leakages.
“Itong leakages are all self implicated, ibig sabihin may nakikinabang dito. How about automation? In other countries wala nang human factor. Because everything is automated. right away if we automate, we eliminate leakages,” pahayag pa ng senador.
142