(NI AMIHAN SABILLO)
PASOK sa listahan ng intelligence watchlist ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga guro na nagre-recruit ng mga estudyante para maging miyembro ng komunistang grupo.
Ito ang inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at nasa radar na umano ng intelligence group ng PNP at AFP ang mga nasabing guro na miyembro ng Legal Front Organizations ng CPP-NPA na recruiters ng mga kabataan.
Kaugnay sa pag-amin ng kalihim na may mga guro na nang re-recuit “Yes, oo, they know it, they are playing around with our democratic spaces,”
Sinabi pa ni Año, may hakbang na silang ginagawa na sa katunayan umano ay katuwang nila ang mga dating cadres na nagbalik-loob ngayon sa gobyerno na siyang nagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga modus operandi na ginagawa ng mga legal front organizations ng CPP-NPA lalo na sa recruitment.
Malaking bagay aniya ang hakbang na ito para matuldukan na ang pangre-recruit ng mga inosenteng kabataan sa mga eskwelahan ng mga makakaliwang grupo kaya nais ng DILG at PNP na rebyuhin ang pinirmahang memorandum of agreement sa pagitan ng UP at DND.
160