TECHNOLOGY SURVEILLANCE NG AFP, PNP PAGHUSAYIN

duterte100

(NI BETH JULIAN)

DAPAT na paghusayin pa ang technology surveillance at intelligence.

Ito ang direktbang ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Armed Forces at National Police kasunod ng nabunyag na Pinoy ang isa sa suicide bomber na responsable sa pagsabog sa isang kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Kasabay  nito ay  aminado ang Malacanang na ‘cause for concern’ ang nasabing bagay.

“Given that this is the first time that there is a Filipino suicide bomber. It goes against the grain of the character of Filipinos, iyong magsu-suicide ka para sa terrorism. The directive is always to enhance the technology in surveillance and intelligence work,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Bunsod nito, pinayuhan ng Malacanang ang publiko na mag-ingat at maging mapatmatyag sa paligid.

“Kung anuman ang mga nakikitang hindi normal ay agad na  ipaalam sa mga kaukulang awtoridad lalo na iyong mga nakikitang galaw na mapanganib para sa kanilang kalagayan,” apela ni Panelo sa publiko.

Una nang kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac na ang Pinoy na si Norman Lascua, 20, ang isa sa mga nagpasabog sa Indanan noong June 28 na kauna-unahang suicide bomber na Filipino sa kasaysayan.

Nakumpirma na Pinoy si Lascua matapos mag match ang DNA sample na nakuha mula dito sa kanyang ina.

Napag-alaman na matapos ang pagsabog ay lumapit sa mga awtoridad ang ina at kapatid ni Lascua, kinilala ang kanyang katawan bilang kaanak, at hiningi ang katawan para maipalibing sang-ayon sa tradisyon ng Islam.

161

Related posts

Leave a Comment