TERMINATION NG VFA IPINARATING NA SA US

PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate  ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998.

Kinumpirma ni  Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang  notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos.

Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the notice of termination.”

Ang terminasyon ng VFA, ani Sec. Panelo ay epektibong mawawalan ng bisa makalipas ang 180 araw matapos matanggap ng US government ang notice of termination.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na hindi na kailangan pang hintayin ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging tugon dito ng Amerika. CHRISTIAN DALE

176

Related posts

Leave a Comment