TERORISMO MASUSUGPO KUNG LULUTASIN ANG KAHIRAPAN, DISKRIMINASYON – SOLON

DAPAT lutasin ng pamahalaan ang malawakang kahirapan at diskriminasyon kung gusto nitong sugpuin ang terorismo dahil ito ang sinasamantala ng grupong terorista kaya nakakalap ng miyembro, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Sa panayam, sinabi ni Hontiveros na dapat lutasin ng pamahalaan ang ugat kung bakit nakakapangalap at nakapag- oorganisa ang grupong terorista at maiwasan silang maging attractive sa kabataan o sinoman.

“By addressing the roots of poverty, alienation, discrimination, ‘yan talaga ang papatay sa banta ng terorismo at hindi mga bills na sa tingin ng dumaraming Pilipino at ibang mga tao sa ibang mga bansa would only be too open to abuse, thereby unintentionally adding to the ranks of terrorist recruits,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros, hindi bomoto ng pabor sa panukala nang aprubahan ito ng Senado noong Pebrero, na kahit tinanggap ni Senador Panfilo Lacson, pangunahing awtor ng batas, ang ilang amendments niya, masyado pa ring nag-aalala ang mambabatas sa ibang probisyon nito.

Inaalala ni Hontiveros ang aktuwal na implementasyon ng Section 4 ng panukala na hindi maituturing na terorista ang adbokasiya, protesta, pagtutol at katulad na paggawa ng mga karapatang sibil at pulitikal.

“Section 4 is clear but in actual implementation, it may be challenged by implementing law enforcement authorities at pati noong bubuuing Anti-Terrorism Council which will be composed of appointees of the President,” aniya.

Tinutulan din ng mambabatas ang mas mahabang araw ng detensiyon ng isang pinaghihinalaang terorista na inaresto kahit walang warrant of arrest na puwedeng magsagawa ng torture at sexual abuse sa biktima.

Kabado rin si Hontiveros sa probisyon na kailangan ipaalam sa Commission on Human Rights at pinakamalapit na korte ang pag-aresto nang walang warrant sa pinaghihinalaang terorista. ESTONG REYES

129

Related posts

Leave a Comment