(NI ROSE PULGAR)
INIHAYAG ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na plano nilang ang mga lugar na may presensya ng mga rebelde sa Region 11 ang ilalapit sa skills training ng ahensiya upang mapataas umano ang tsansa ng pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga residente dito.
Ayon kay TESDA-11 director Lorenzo Macapili na bukod sa “skills training”, itutuloy din nila ang suporta hanggang sa ganap na magkatrabaho ang mga trainees.
Ito ay upamg makamit umano kung makikipagtulungan sa kanila ang mga lokal na pamahalaan, mga non-government organizations (NGO) at maging ang mga barangay.
Sinabi ng opisyal na maraming lugar sa rehiyon ang idineklara ng military na payapa ngunit nang umalis ang mga sundalo ay bumalik sa dating kaguluhan dahil sa kawalan ng interbensyon ng pamahalaan.
May kabuuang 331 barangay sa Region 11 na isasailalim sa “Indictive Action Plan” mula Hulyo hanggang Disyembre kasabay ng assessment sa mga lugar.
Sasama naman sa bubuuing TESDA provincial task force ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development, mga guro at trainers.
Matapos ang dayalogo at pagbuo ng programa, inaasahan na uumpisahang ipatupad ito sa darating na Setyembre.
260