TESTING AT PINAIKLING Q PROTOCOLS IBABALIK

IBABALIK ng Pilipinas ang testing at pinaikling quarantine protocols para sa mga byahero mula sa “Green List” territories na nasa ilalim ng low-risk para COVID-19.

Matatandaang sinuspinde ng gobyerno nito lamang huling bahagi ng Nobyembre ang Green List protocols bilang pag-iingat laban sa “heavily mutated omicron COVID-19 variant.”

“Ni-lift ng IATF ang pansamantalang suspensyon ng testing at quarantine protocols sa mga lugar na nasa Green List,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Epektibo Disyembre 16 hanggang 31, 41 areas na ang kabilang sa Green List.

Sinabi pa ni Nograles na ang mga fully vaccinated traveler ay kailangan magpakita ng negative RT-PCR test result na kinuha 72 oras bago ang kanilang departure mula sa Green List territory.

Mananatili ang mga ito sa facility quarantine hangga’t makakuha sila ng negative result ng isa pang RT-PCR test na kukuhanin naman sa pangatlong araw. (CHRISTIAN DALE)

3

Related posts

Leave a Comment